Pahamak na Betsin -Tula 2

ajinomotoBakit pa ba ako lalayo,
dito nga sa atin, kontrobersya’y lagong-lago,
Kontrobesyang si Carpio ang pasimuno,
Mahiwagang Ombudsman ang ahensyang nagpayo.

Ang sarap ng ulam pag may Ajinomoto,
Pero may isang storyang patungkol dito,
Doon sa lungsod ng Cagayan de Oro,
Tila sumpang bawal maging sangkap sa gintong kaldero.

Isang nakakagulat na pag-aanunsyo,
Ang bumulaga noong Nobyembre a-singko,
Si pinuno ay isa sa tatlo,
Na pinatatanggal at pinagbawalan ng tumakbo,
Sa anumang posisyon at serbisyo publiko.

Diba’t kay pait mapagtanto,
Na halalan ay paparating sa buwan ng Mayo,
Kung Siya ay isa sa tatlong pagpipilian mo,
Ay biglang mawala at sa mayoral race ay maglalaho,
Sino ang pipiliin mo, ang demonyo o ang demonyito.

Ngunit isang tanong ang sa akin nabubuo,
Bakit ngayon lang nalaman ng publiko,
Kung di pa dahil kay Carprio,
Ay bulag ang mga mamboboto,
Sa pawang na pangyayari sa likod ng puting palasyo.

Manahimik hangga’t sa pwede,
Itago, hangga’t pwedeng ikubli,
Maging bulag, pipi, at bingi,
Sa kasong isinampa ni Guillani.

Hay naku! Buhay na ka kay malas,
Ngunit suwerte para kay Ah C. Nas,
Bise ngayon, mayor bukas,
Isang panungkulang sa kisap-mata ay nagwakas!

Dito na naman tayo,
Humihingi ng makapangyarihang TRO,
Si Ombudsman ay walang husgado,
Kaya si CA ang bumayo ng status quo.

Bibong-bibo, ang pinunong Moh Rino,
Ngunit si Ah C. Nas ayaw patalo,
Kaya mga empleyado gulong-gulong,
Sa dalawang taong magkasalungat ang mga mandato.

Hayun naman sa kabilang dako, ating masilayan,
Ang tingkad ng liwanag na animo’y dalandan,
Kampo ng mga balimbing na magkakaibigan,
Sila’y nagkakagulo, tayo’y magtawanan.

Sabi ni FPJ, sayo ang Manila, sa akin ang Tondo,
Ikaw sa distrito, ako sa partido,
Ikaw sa barangay, ako sa konseho,
At sa darating na Mayo,
Buong pamilya ay tatakbo,

Eleksiyon parang Fun Run,
Si kuya, si kapatid, si bunso at si asawa ay nag-uunahan,
Kaya nga dapat pigilan,
Dinastiyang dilaw, lila at dalandan,
Bagong mukha, adhikain at panunungkulan,
Sa posisyon ay ating ihahalal.

Kaya ating tunghayan ang kakaibang serye,
Mga kwentong barbero at tsismis sa kalye,
Mga pulitikong walang iniisip kundi ang sarili,
Iwasan ang kidlat, at baka tamaan ng sangkadamakmak na mirisi.

tulaniKIM1 – pambungad

PAMBUNGAD

Ako’y hindi isang makata,
Susubukan ang sumulat at bumuo ng isang tula,
Hindi ko alam kung saan ako sisimula,
Sa aking pagkabata o hanggang sa kasalukuyan kong tanda.

Iisang pamamaraan ang sa kasalukuyan ay naging uso,
Pagpapalabas ng mga hinaing, opinion at paghihimugto ng puso,
Sa taludtud ng bawat tulang ito,
Ay nagsasalamin sa buhay ko, mo o sinumang tao.

Sa panahon ng aking lolo,
Ito ay naging daan para haranahin ang lola ko,
Dekada ang dumaan at bigla itong naglaho,
Ngunit sa panahon ng dalawamput isang siglo,
Ang pag-ibig, galit at sigaw ng puso,
Dito ay muling pinag-iibayo.

imgp6229.jpgAko po ay Si Kim Roel Libutaque,
Guro at minsan na ring naging estudyante,
Isang manlalakbay sa mundong makumplikado,
Krus-krus na landas ang sinusubukang tinatahak at di tiyak kung saan hihinto,
Sa mundong ito, iisa lang ang sigurado ako,
Ako’y hihimlay, sa libingan din ang tungo.

Di ba’t masyadong maaga para pag-usapan ang daang sementeryo,
Ngunit ito ay katutuhanang sinuman ay doon din dadako,
Ika nga nila, ang bilang na makikita dito,
Ang taon ng pagsilang at taon ng paglaho.

Bakit di natin subukan ang gitling sa gitna ng mga bilang na ito,
Dahil nasisiguro ko,
May kwentong makukulay, masaya, pagkabigo, pagbangon, at pagkapanalo,
Isang buhay na kung ituring ko ay banal at mapalad sa mundong ito,
Isang buhay na maaaring ilimbag, iguhit o ikuwento sa ibang tao.

Mga kabanatang di ko alam kung paano umpisahan at tatapusin,
Mga bersikulong naglalaman ng hibla ng aking landasin,
Mga salitang, maaring pagsimulang ng haka-haka at kontrobesya,
Mga letrang bubuo sa sa aking pangalan at istorya.

Sa kasalukuyan ako ay isang guro,
Sa institusyong pinapangarap ko,
Dito ay lalo nahubog ang aking pagkatao,
Lalo pa’t pinaghalo ang kulturang Pilipino at Tsino,
Ni isang tulo ng Tsinong dugo ay wala ako,
Pero sa kulturang Tsino ay nabibighani ang aking puso.
Gayunpaman, barong tagalog pa rin ang pambansang kasuotan ko,
Kahit na may malakolonyang halo ng kamiseta de Tsino,
Pilipinas pa rin ako, taas noong Pilipino,
Tsina ay hindi kaaway, bagkus isang kaibigang tunay.

Huwag naman sana nating lahatin,
Sapagkat Spratly’s man ay kanilang tatangkain,
Kapayapaan at demokrasya ang tiyak papairalin.

kimSa ilang taon ng aking paninilbihan,
Ilang henerasyon ng mga kabataan ang aking nasusubaybayan,
May mga batang mabait at meron ding tampalasan,
Mga batang pang-iskolar ng bayan at mga batang pangkalawakan,
Ngunit sa bawat araw ng mga nagdaan,
Ang misyon-bisyon pa rin ang naging sandalan,
Para maging “agents of social transformation” sa takdang kinabukasan.

Apat na taon at tatlo pang taon ang aking iginugol,
May mga kasamahang balisa at nagtatanong,
Kung ako ba’y regular o kolurum,
Uy, lelang tagapagtala, naghahamon ka ba sa isang hoodlum?
Kung ako sayo, trabaho ay iayon,
Sa mga aspektong di nakakasira ng relasyon.

Hay naku, sabi ni Onyok,
Bakit ganito ang buhay, minsan masaya minsan ay bansot,
Di maintindihan, sapagkat maalimuot,
Buti pa si Goryo, Red horse at Tanduay ang laging nasisimot.

Naalala ko tuloy si Sheyee,
Sarap makisakay sa Trip niyang waging-wagi,
Kapag kasama ang barkada ay walang baka sakali,
Problema’y tawanan, walang pagdadalamhati.

friendniKIMIto ang buhay ko,
Lunes hanggang Biyernes balik sa kinagawain ko,
Sabado, sa samahang boluntaryo at minsan ay radyo,
Linggo ay liwaliw, lakbay ng di alam saan patungo,
Hanap ng kaibigan, sa #friendniKIM ay maglilitrato,
Walang kasama kundi ang kasintahan ko,
Fuji ang pangalan, Film ang apelyido.

Salamat sa pagbasa,
Sa tula kong walang kwenta,
Basta aabangan sa aking pahina,
Kwentong kolokoy at kwentong may atsoy aking ibabalandra,
Kaya’t hanggang sa susunod na istorya,
Salamat sa inyo mahal kong madla.

Zip in Dahilayan Forest Park

dahilayan14Wanna fly like Superman? Then get a chance to experience thrill and extreme adventure at Dahilayan Forest Park. In 2009, the place was known to be the home of Asia’s Longest Dual Zipline. It is 4,700 feet above sea level flying over the verdant and virgin forest of Dahilayan, Manolo Fortich, Bukidnon.

You can reach Dahilayan, via Cagayan de Oro to Bukidnon. You turn left as you reach Alae Junction passing through Camp Phillips, Bukidnon. There are some vans available for rent going to Dahilayan. Or you may ask your hotel front desk officers if they have available package for this trip.

dahilayan9I’ve been to this place twice and many of their amenities offered were improved and added such as ATV’s and buggy trail adventures, barrel train, hanging bridge, zorbs, mini-golf course, luge, and tree top adventures.

Dahilayan, indeed is a great help for the improvement of Northern Mindanao Tourism especially for the province of Bukidnon.

For reservations, contact them thru these numbers  (63) 917 715 4399 and (63) 998 998 4399.

dahilayan11dahilayan13dahilayan12dahilayan5